Higit 260K kaso ng physical bullying, naitala ng DepEd

Higit 260K kaso ng physical bullying, naitala ng DepEd

February 2, 2023 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 260,000 kaso ng physical bullying sa mga paaraln ang naitala ng Department of Education (DepEd) sa loob lamang ng isang school year.

Ayon sa ulat, may kabuuang 264,668 kaso ng physical bullying ang inihain sa school year 2021-2022.

Mayroon ding 7,758 kaso ng cyberbullying, 7,800 ng gender-based bullying, at 17,258 kaso ng social bullying.

Sa kabila ng nakaaalarmang bilang, maraming kasi ang pinaniniwalaang hindi na naiulat.

Inilunsad din ng DepEd ang helpline para maiulat ng mga estudyante ang pang-aabuso at ang programa na tumututok sa mental health ng mga estudyante. RNT/SA