Higit 2,700 pasahero istranded sa mga port sa bagyo – NDRRMC

Higit 2,700 pasahero istranded sa mga port sa bagyo – NDRRMC

September 26, 2022 @ 9:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Mahigit 2,700 pasahero ang hindi pa rin makailan sa iba’t ibang daungan sa Luzon dahil kay Karding, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

“A total of 2,737 passengers, 260 rolling cargoes, 24 vessels, and 13 motorbancas are currently stranded  in Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), Mimaropa (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, and Palawan) and Region 5,” batay sa incident report ng NDRRMC.

Karamihan sa istranded na mga pasahero ay nasa Bicol region (1,944), Mimaropa (472) at Calabarzon (321).

Ang bagyong Karding, hanggang nitong Lunes ng umaga ay nagpapaulan sa Santa Cruz, Zambales, na may maximum sustained winds na 140 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at gustiness hanggang 170 kph, base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). RNT/SA