Higit 2K arawan kaso ng COVID sa NCR sa Oktubre, posible – OCTA

Higit 2K arawan kaso ng COVID sa NCR sa Oktubre, posible – OCTA

September 23, 2022 @ 7:09 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng pumalo sa mahigit 2,000 kada araw ang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa buwan ng Oktubre.

Ito ang nakikitang posibilidad ng OCTA Research Group makaraang makapagtala na ng 17.5% positivity rate ang NCR sa kasalukuyan.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Huwebes, Setyembre 22, tumalon mula 14.3% nitong Setyembre 14 patungong 17.5% nitogn Miyerkules, Setyembre 21 ang positivity rate sa Metro Manila na lubhang mataas mula sa inilatag na lebel ng World Health Organization.

“The positivity rate has matched the previous peak on Aug. 5. It is now likely that this current resurgence will see higher positivity rates over the next weeks,” ani David.

Maliban sa positivity rate ay tumaas rin ang seven-day average cases sa Metro Manila na ngayon ay nasa 1,128 na o 28% na pagtaas mula sa datos noong nakaraang linggo.

Ang reproduction rate naman ay lumobo rin mula 1.19 noong Setyembre 12 sa 1.26 nitong Setyembre 19. RNT/JGC