Higit 2K bagong kaso ng COVID-19 muling naitala ng DOH

Higit 2K bagong kaso ng COVID-19 muling naitala ng DOH

July 20, 2022 @ 7:25 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat muli sa higit 2,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health sa bansa ngayong araw.

Sa datos ng DOH, nasa 2,074 new COVID cases ang naitala kung kaya’t umakyat din sa 20,678 ang aktibong kaso mula sa 20,511 nitong Martes.

Mula ito sa kabuuang 3,739,160 na tinamaan ng sakit sa bansa.

Pero sa nasabing bilang 3,657,841 na ang gumaling habang walang nadagdag sa bilang ng nasawi na nananatili sa 60,641.

Samantala, sa nakalipas na dalawang linggo, ang Metro Manila pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 na aabot sa 10,393; sinundan ng Calabarzon na may 5,937 cases; Central Luzon, 2,634; Western Visayas, 2,188 at Central Visayas na may 1,007.

Hanggang noong Martes, nasa 24.1% ang bed occupancy rate sa bansa kung saan 7,006 na kama na sa mga ospital ang okupado habang 22,068 ang nananatiling bakante. RNT/ JCM