Higit 2K bagong kaso ng COVID-19 naitala

Higit 2K bagong kaso ng COVID-19 naitala

October 9, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 2,197 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa sa pinakahuling ulat ng Department of Health nitong Sabado, Oktubre 8.

Dahil dito ay umakyat na sa 3,965,865 ang kabuuang kaso ng sakit samantala nasa 27,065 naman ang aktibong kaso nito.

Ito na ang ikatlong sunod na araw na nakapagtala ng mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa ngunit mas mababa naman ito sa naitala noong Biyernes na 2,409 kaso.

Nananatiling National Capital Region (NCR) ang pinakamataas ang nadagdag na bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw sa 12,587 sinundan ng Calabarzon sa 5,331 bagong kaso ng sakit at Central Luzon sa 2,811 bagong kaso.

Samantala, lumobo naman sa 63,230 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 ay umakyat naman sa 3,875,570 ang mga gumaling. RNT/JGC