Higit 2K Bulakenyo apektado sa bayo ng bagyong Paeng

Higit 2K Bulakenyo apektado sa bayo ng bagyong Paeng

November 2, 2022 @ 7:45 PM 4 weeks ago


Bulacan- Nasa P115,306,617.66 ang naitalang partial/unofficial damage sa agrikultura, pangisdaan at may 2,214 o 643 pamilyang Bulakenyo ang apektado sa pananalasa ng bagyong Paeng sa lalawigang ito.

Ito ang napag-alaman sa ulat at base na rin sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) nitong Oktubre 31.

Ayon sa PDRRMC, may ulat ang Provincial Welfare and Development Office na ang mga Bulakenyong apektado at kinalinga sa mga evacuation center ay mula sa bayan ng Pulilan, Hagonoy, Paombong, Calumpit, Bocaue, Guiguinto kabilang ang lungsod ng Meycauayan at Malolos.

Dahil dito, agarang nagsagawa ng relief operations si Acting Governor at PDRRMC chairman Alexis Castro nitong Oktubre 30 at Oktubre 31 para sa pamilyang apektado mula sa Pamahalaang Panlalawigan at ilang donors.

Sinasabing may mga partially creek bank protection, street lights at open canal partikular sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Sinusulat ito, napagalamang nadaraanan naman ang lahat ng kalsada sa lahat ng uri ng sasakyan habang may napaulat na 45 barangay ang apektado pa rin ng baha. Dick Mirasol III