Higit 2K health workers nai-deploy na – POEA

Higit 2K health workers nai-deploy na – POEA

June 27, 2022 @ 5:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 2,000 healthcare workers ang nai-deploy na sa ibang bansa sa taong ito, subalit malayo pa umano ang bilang mula sa 7,500 yearly deployment cap, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) nitong Lunes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na magpapatuloy ang deployment sa kabila ng mga ulat ukol sa umano’y kakulangan ng tauhan sa mga ospital sa bansa.

“Yung 7,000 cap po natin, mahigit 2,000 pa lang po yung na-deploy natin. Ibig sabihin niyan malayo pa po bago natin maabot yung 7,500,” aniya.

Sinabi rin ni Olalia sa na tinatalakay na ng technical working group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung paano tutugunan ang understaffed hospitals.

Nauna nang ihayag ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na dapat limitahan sa 5,000 kada taon ang deployment cap para sa healthcare workers. RNT/SA