Higit 2K pamilya sa Luzon lumikas para makaiwas sa lupit ng bagyong Karding

Higit 2K pamilya sa Luzon lumikas para makaiwas sa lupit ng bagyong Karding

September 26, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 2,293 pamilya sa Luzon, karamihan sa Metro Manila, wang inilikas dahil kay bagyong Karding (internationally known as Noru), ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo ng gabi.

Ang kabuuang bilang ng mga pamilya ay binubuo ng 8,391 indibidwal, base sa NDRRMC.

Karamihan sa evacuees ay mula sa Metro Manila — 908 pamilya na binubuo ng 3,450 indibidwal.

Mayroon ding 897 pamilya (3,163 indibidwal) ang inilikas sa Central Luzon, 357 pamilya (1,375 indibidwal) sa Calabarzon, 91 pamilya (319 indibidwal) sa Cagayan Valley, 22 pamilya (54 indibidwal) sa Ilocos Region, at 18 pamilya (30 indibidwal) sa Bicol Region. RNT/SA