Higit 2M edad 5-11 sa Calabarzon target maturukan vs COVID

Higit 2M edad 5-11 sa Calabarzon target maturukan vs COVID

February 4, 2022 @ 3:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Target na mabakunahan ang nasa mahigit 2.1 milyong bata na nasa edad lima hanggang 11 laban sa COVID-19 sa Calabarzon.

Ayon sa Department of Health, nakatakda itong magsimula sa Pebrero 7.

Paliwanag ni DOH-Calabarzon Regional Director Ariel Valencia, isasagawa ang initial rollout ng bakuna sa Pebrero 7 sa Batangas Medical Center sa Batangas City at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite.

Sinabing pangungunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbabakuna sa Batangaa habang si Interior Secretary Eduardo Año sa Cavite.

Sa Pebrero 14 naman magsisimula ang pagbabakuna sa Imus City at Dasmariñas City. RNT/FGDC