Higit 3.2M botante, inalis sa listahan ng Comelec

Higit 3.2M botante, inalis sa listahan ng Comelec

April 1, 2022 @ 2:17 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 3.2 milyon  ang inalis ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga botante.

Kabilang rito ang 892,627 double registrants; 755,769 na namatay na at  64,320 double entries.

Habang ang mahigit 7 milyong registered voters ay diniactivate din ng Comelec

Sa datos mula sa  Comelec, ipinapakita na ang 7,236,952 botante na  deactivated, 7,229,493  ay dahil nabigong bomoto  sa nagdaang dalawang national elections; 3,993 na hindi kasama ng mga korte; 2,718 na idineklara bilang  walang kakayahan ; 536 na nasentensiyahan ng mahigit 1 taong pagkakakulong; 134 na nabigong mag-validate; 52 na nawalan ng pagkamamamayang Pilipino; at 26 na nasentensiyahan dahil sa paggawa ng mga krimen laban sa pambansang seguridad.

Mayroong  65,831,792 registered voters noong  Oct. 30, 2021.

Mula sa mahigit sa 65 milyon rehistradong botante 6,950,449 ang  new registrants. Jocelyn Tabangcura-Domenden