Higit 300 pamilya, inayudahan ng MPD, SOCO

Higit 300 pamilya, inayudahan ng MPD, SOCO

November 20, 2022 @ 4:31 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mahigit 300 pamilya ang natulungan sa isinagawang gift giving ng pamunuan ng Manila Police District Forensic Unit (SOCO).

Kasama ng SOCO ang Advisory Council ng MPD sa pamumuno nina PLt.Col. Edmar A. Dela Torre Chief ng MPD Forensic Unit, PLt. Gloria Cortes, at Gng. Corazon S. Rodriguez na siyang Chairperson ng Advisory Council sa nasabing aktibidad na ginanap sa MPD Headquarters Linggo ng umaga, Nobyembre 20.

Hindi lamang gift packs ang ipinamahagi kundi gamot, vitamins para sa mga bata, groceries at may libreng pa-almusal.

Kabilang din sa natulungan ng aktibidad ang mga photographers ng pambansang parke o Luneta Park.

Bago isagawa ang nasabing gift giving program ay nagkaroon muna ng isang flushing o paglilinis sa quadrangle ng MPD sa pamumuno naman ni Punong Barangay Manny Nieto ng Brgy 660-A zone 71, District 5, lungsod ng Maynila na isa rin sa mga miyembro ng Advisory Council.

Lubos naman ang pasasalamat ng grupo ng MPDFU Advisory Council kay MPD Director Police Brig. General. Andre P. Dizon sa kanyang suporta sa ginawang gift giving na may temang “Ang Pagtulong sa Kapwa Ay Walang Katumbas Na Halaga”.

Kabilang naman sa mga nagbigay ng suporta at tumulong sa pag bibigay ng mga regalo ay sina Vincent Chan, Andy Co, Eric Hernandez, Alden Aguas, Ashley Palaganas at Jeffrey Cudala bilang representante ni Jenie Cudala at Micheal Pangilinan ng Araullo Senior High School Senior High. Jocelyn Tabangcura-Domenden