Higit 300 PDLs sa buong bansa, laya na!

Higit 300 PDLs sa buong bansa, laya na!

October 26, 2022 @ 3:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumaya na ang kabuuang 357 persons deprived of liberty (PDLs) nitong Miyerkules, Oktubre 26 mula sa iba’t ibang correctional facilities sa bansa.

Sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), nasa 102 PDLs ang pinalaya mula sa New Bilibid Prison kung saan 15 sa mga ito ang nakalaya sa pamamagitan ng parole at 87 naman ang nakatapos na sa kanilang sentensya.

Dagdag pa rito, 136 PDLs naman ang lumaya mula sa Davao Prison at Penal Farm, 71 ang parole at 65 ang nakatapos na ng sentensya.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng 28th National Correctional Consciousness Week ngayong linggo.

Sa panayam naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi kasama sa bilang ang mga indibidwal na hiniling ng Department of Justice para sa executive clemency.

Samantala, nasa 450 PDLs sana ang plano nilang palayain ngunit hindi nangyari dahil kulang ito sa clearance.

“That’s why we want to digitize everything. Huli na tayo sa deadline. Sabi ko nga deadline is always yesterday. But this is a continuing effort. Every month, gagawin natin to. Hangga’t talagang we are on schedule for everything,” ani Remulla.

Aniya, inatasan na nito ang prison officials na hindi kailangang dumalo sa seremonya ang lahat ng mga PDL.

“We will just announce it. Meron ho tayong pinalaya, especially kasi kailangan nalalaman kung sino ang nagbigay ng pardon tsaka parole para alam din ng taong bayan,” anang Kalihim.

“We will not delay anything. We want everything to happen as it happens,” dagdag pa. RNT/JGC

Larawan kuha ni Cesar Morales