Higit 300 Sri Lankans nasagip sa Spratly

Higit 300 Sri Lankans nasagip sa Spratly

November 10, 2022 @ 2:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang mahigit 300 mga Sri Lankans sa dagat na sakop ng Spratly Islands makaraang lumubog ang bangkang pangisda na sinasakyan nila.

Ito ang iniulat ng Vietnam media nitong Martes, Nobyembre 8 kung saan ayon kay spokesperson for the Vietnam Maritime Search and Rescue Coordination Center, nakatanggap umano sila ng ulat na nagkaproblema ang isang Myanmar-flagged Lady R3 lulan ang 303 Sri Lankans.

Patungo sana ito sa Canada nang bigla na lamang mapuno ng tubig ang engine room nito at nagsimula nang mawalan ng balanse ang naturang fishing vessel.

Kasagsagan din noon na matataas ang alon.

Sinubukan pa nilang magbato ng broadcast emergency signal sa mga malalapit na barko sa lugar at kalaunan ay nasagip ng isang Japanese-flagged Helios Leader na nataong malapit din sa lugar.

Dahil dito ay nasagip ang mga sakay na crew members nito na at agad na binigyan ng atensyong medikal.

Sa nasabing bilang, 264 sa mga ito ang lalaki, 19 ang kababaihan at 20 ang mga bata. RNT/JGC