Higit 3,000 healthcare workers sa NCR naka-isolate- DOH exec

Higit 3,000 healthcare workers sa NCR naka-isolate- DOH exec

January 13, 2022 @ 6:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 3,000 healthcare workers sa National Capital Region (NCR) aang kasalukuyang sumasailalim sa isolation sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease  (COVID-19) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na halos 3,114 healthcare workers ang naka-isolate sa rehiyon, tinatayang 11 porsyento ng 26,000 healthcare workers sa government institutions.

“[N]agkakaroon talaga ng reinfections itong mga healthcare workers natin or ‘yung mga breakthrough kasi sila ‘yung nauuna talaga, sila ‘yung first line sa hospital na [nakikipagharap sa] COVID-19 patients,” sabi ni Vega.

“Pero ‘yun nga, nag-strategize na rin ang ibang hospitals na mag-close ng ibang services nila like OPD, special services, at saka yung mga elective surgery nila pino-postpone muna,” patuloy niya.

Batay sa datos mula sa DOH, makikita na 56 porsyento ng ICU beds sa NCR ang okupado, habang 55 porsyento naman ng isolation beds ang kasalukuyang ginagamit. RNT/SA