Higit 3,000 kaso ikinasa ng PNP vs election laws violations

Higit 3,000 kaso ikinasa ng PNP vs election laws violations

June 10, 2022 @ 6:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagsampa na umano ng kaso ang Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes laban sa 3,829 indibidwal sa paglabag sa election laws sa Halalan 2022.

Inihayag ng PNP na sa kabuuan ay 3,436 kaso ang naihain na laban sa paglabag sa gun ban, liquor ban maging sa vote-buying at vote-selling, na ilan lamang sa mga paglabag sa election laws.

Ipinangako naman ng PNP ang full investigative support sa National Prosecution Service upang makabuo ng “airtight cases” laban sa mga indibidwal na naaresto sa paglabag sa Omnibus Election Code at iba pang batas.

Sa pagtatapos ng election period nitong Miyerkules, nakapagtala ang PNP ng 3,651 lumabag sa gun ban, 128 violators ng liquor ban at 50 suspek sa umano’y vote-buying o selling.

“The law enforcement pillar of the criminal justice system has effectively discharged its function to arrest violators of the law, the next step is to ensure ‘successful prosecution’ of the offenders,” ani PNP officer-in-charge Vicente Danao Jr.

“By taking away these instruments of violence, crime, and oppression from the hands of unauthorized individuals, criminal elements and partisan armed groups, the PNP ably ensured safe and secure elections, free from imminent threats to peace,” ayon pa kay Danao.

Ayon pa sa opisyal, bumaba ang crime environment sa Halalan 2022 ng 59,115 o 41.75 porsyento saTotal Peace and Order Index (POI) kumpara noong 2016. RNT/SA