Higit 300K depektibong balota ire-reprint ng Comelec

Higit 300K depektibong balota ire-reprint ng Comelec

April 21, 2022 @ 8:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling iiimprenta ang mahigit 300,000 depektibong balota, ayon sa opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na sa kabuuan ay mayroong 372,878 balota ang hindi pumasa sa testing ng election documents.

Ayon pa kay Garcia, ang naturang bilang ay 0.58 porsyento o 372,878 ng kabuuang bilang ng 67,442,616 opisyal na balota na inimprenta para sa local at overseas voters.

“We will first complete the reprinting and the printing of other forms, then the destruction will follow. We will issue a notice,” ani Garcia. RNT/SA