Higit 30K indibidwal tumawag sa crisis hotline sa kasagsagan ng COVID pandemic

Higit 30K indibidwal tumawag sa crisis hotline sa kasagsagan ng COVID pandemic

October 14, 2022 @ 8:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang tumawag sa Crisis Hotline ng National Center for Mental Health sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Dr. Rodney Boncajes ng NCMH sa panayam nitong Huwebes, Oktubre 13 kung saan ayon sa kanya, sa May 2019 hanggang February 2020 period ay mayroon na agad silang natanggap na 4,000 tawag.

Mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2020 naman ay mayroon silang nakuhang 10,000 na tawag samantala 22,000 tawag ang natanggap ng NCMH mula Enero 2021 hanggang Disyembre 2021.

Ngayong taon ayon kay Boncajes, mayroon naman 14,000 tawag ang natanggap ng naturang ospital.

Ilan sa mga uri ng tawag na kanilang natatanggap ay mga indibidwal na nakararanas ng anxiety at depression, problema sa pag-ibig, problema sa pamilya o gustong magpakamatay.

Nakita ng ahensya na malaki ang epekto ng pandemya sa mga tao na resulta upang maramdaman ang mga bagay na ito.

Samantala, naging malaki naman umano ang tulong ng social media upang madiskubre ang kanilang crisis hotline para sa mga taong mangangailangan nito. RNT/JGC