Higit 30K OFWs sa HK nakaboto na

Higit 30K OFWs sa HK nakaboto na

April 23, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 30,000 Pilipinong migrant workers sa Hong Kong ang nakaboto na para sa Halalan 2022, ayon sa lider ng Filipino community sa lugar nitong Sabado.

Halos 31,300 Piilipinong absentee voters sa Hong Kong ang nakaboto na hanggang nitong Biyernes, ayon kay Michael Benares.

Aniya, inaasahan nila ang mataas na voter turn out sa bansa, na maaaring pumalo sa 75,000 hanggang 80,000 OFWs.

Mayroong halos 93,600 registered overseas absentee voters sa Hong Kong, ayon sadatos ng Commission on Elections (Comelec).

Nag-uumpisa ang botohan tuwing alas-8 ng umaga at natatapos pagsapit ng alas-5 ng hapon subalit ayon kay Benare, inieestend pa umano ito.

” ’Pag weekend humahaba ang pila up to 3 kilometers,” pahayag niya.

Inilahad din ni Benares na dumating na ang bagong vote-counting machines (VCMs) nitong Biyernes bilang kapalit ng mga depektibong VCMs.

Aniya pa, nakikipag-ugnayan na ang Filipino migrants sa Philippine consulate upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon.

“Nagtutulungan kami with other media outlets para siguraduhin na tamang info ang lumalabas,” sabi ni Benares. RNT/SA