Higit 31K pamilya, apektado sa OrMin oil spill 

Higit 31K pamilya, apektado sa OrMin oil spill 

March 16, 2023 @ 8:10 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 31,497 sa Mimaropa at Western Visayas ang bilang ng mga pamilya na apektado sa major oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Napinsala nito ang kabuhayan ng hindi bababa sa It has 13,654 magsasaka at mangingisda, base sa OCD nitong Miyerkules.

Idinagdag ng ahensya na may kabuuang ₱23.9 tulong mula sa pamahalaan at non-government organizations ang naipamahagi na sa mga biktima.

Nagpatupad din ng cash-for-work financial program para tulungan ang mga apektadong mangingisda.

Iniulat ng Health Department na 122 indibidwal na ang nagkasakit sa kumalat na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Samantala, inihayag ng OCD na tutulong sa response operations ang darating na barko galing Japan.

Kamakailan ay nagpadala ng grupo ng mga eksperto ang Japan at nagbigay pa ng gear at equipment para tumulong sa oil spill cleanup.

Nanawagan ang mga eksperto para sa agad na pagkontrol sa oil spill dahil base sa pagtataya, maaari pa itong kumalata sa Verde Island Passage, na 36,000 ektarya ng marine habitats.

Nauna nang napag-alaman ng mga senador na walang permit to operate ang MT Princess Empress, batay sa tala ng Maritime Industry Authority (Marina). Itinanggi ito ng Philippine Coast Guard at nagpresenta ng kopya ng certificate na inisyu ng Marina noong Nobyembre 2022. RNT/SA