Higit 33K outbound passengers naitala ng PCG ngayong Miyerkules Santo

Higit 33K outbound passengers naitala ng PCG ngayong Miyerkules Santo

April 13, 2022 @ 4:09 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 33,000 outbound passengers sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Miyerkules kung saan dagsa ang mga hahabol na makauwi ng probinsya para sa Holy Week.

Hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali, umabot sa 33,394 outbound passengers at 25,048 inbound passengers ang namonitor ng PCG.

Nagtalaga naman ang PCG ng 2,252 frontline personnel sa 15 Coast Guard districts at nag-inspeksyon sa 324 vessels at 571 motorbancas.

Matatandaang itinaas ng PCG ang heightened alert sa lahat ng districts, stations, and sub-stations nito mula Abril 8 hanggang 18 para makontrol ang dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

“It will also cover the length of summer vacation in anticipation of local tourists who will travel by sea for recreational purposes until May 31, 2022,” dagdag ng PCG.

Samantala, pinayagan na rin ng PCG ang pagbabalik ng shipping at fishing operations sa buong bansa matapos na tuluyang matunaw ang bagyong Agaton kaninang umaga.

“All passengers, truck drivers, and cargo helpers, as well as vessels, motorbancas, and rolling cargoes that were stranded due to #AgatonPH have been allowed to travel by sea,” saad ng Coast Guard sa hiwalay na maritime advisory.

Samantala, ayon sa PAGASA, bagama’t nalusaw na ang bagyo ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Visayas. RNT/ JCM