Higit 350 sugatan, higit 300K apektado sa Abra quake  – NDRRMC

Higit 350 sugatan, higit 300K apektado sa Abra quake  – NDRRMC

July 31, 2022 @ 4:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 350 ang nasaktan sa magnitude 7 earthquake na tumama sa Abra.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 357 ang kumpirmadong indibiduwal na nasaktan, 355 ang nagmula sa Cordillera Administrative Region (CAR), habang ang natitirang dalawa ay mula sa Cagayan Valley.

Sa kasalukuyan ay 18 indibiduwal ang nananatiling bina-validate pa, may kabuuang bilang na 375 ang nasaktan.

“There are also no more reported missing people,” ayon sa NDRRMC.

Samantala, kinumpirma ng NDRRMC na may 9 na katao na ang namatay sa CAR, habang ang isa naman ay bina- validate.

Ang katawan ng apat na katao na napaulat na nawawala sa Abra ay natagpuan, araw ng Biyernes, dahilan para umabot na sa 10 ang namatay.

May kabuuang 82,336 pamilya o 314,161 indibiduwal mula 996 barangays sa CAR, Ilocos Region, at Cagayan Valley, ang apektado ng lindol.

Tinatayang 1,113 pamilya o 3,891 indibiduwal na nananatili pa rin sa loob ng 42 evacuation centers, habang 7,422 pamilya o 30,400 indibiduwal ang nananatili sa labas ng evacuation centers.

Ayon sa NDRRMC, may kabuuang 21,890 bahay ang napinsala ng lindol sa CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, at National Capital Region.

Sa nasabing bilang, 302 ang totally damaged, habang 21,588 naman ang partially damaged.

“Three collapsed structures, three falling incidents, and nine landslides were also reported in Ilocos Region and CAR.Currently, three roads are still not passable, while 149 roads and 11 bridges that were affected by the earthquake are now passable in Ilocos Region, Cagayan Valley, and CAR,” ayon sa ulat.

“The cost of damage to 539 infrastructures is now at P414,228,000. A total of P13,964,476 cost of damage was also reported by the Department of Agriculture, while the National Irrigation Administration reported P4,500,000,” ayon sa NDRRMC.

Samantala, naibalik na ang suplay ng kuryente ng 48 lungsod at munisipalidad na nakaranas ng “power outages.”

“Water in three out of four cities and municipalities that experienced water supply interruption were also restored. A total of 27 cities and municipalities were declared under the state of calamity,” ayon pa rin sa NDRRMC.

“Some 54 classes and 157 work schedules were also canceled in Ilocos, Central Luzon, and CAR due to the earthquake. So far, assistance worth P11,670,297 has been provided to the victims in Ilocos Region and CAR,” dagdag na pahayag ng NDRRMC. Kris Jose