Higit 35K katao contact tracer na; recruitment tatapusin sa susunod na linggo —DILG

Higit 35K katao contact tracer na; recruitment tatapusin sa susunod na linggo —DILG

October 17, 2020 @ 4:53 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umabot na sa 35,345 katao ang natanggap bilang contact tracers sa kabila ng nakatakdang pagtatapos ng recruitment sa susunod na linggo, batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa panayam sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na naipakalat na ng LGUs sa buong bansa ang 27,879 contact tracers.

Mula naman sa 65,000 na nag-apply, 57,743 ang naiproseso.

“Lumalabas nga po rito sa mga naproseso naming aplikasyon na marami namang kwalipikado kaya nakapag-hire na po kami ng 35,345,” ani Malaya.

“I will expect po na in the next week, matatapos na po ng DILG ‘yung pagha-hire ng additional contact tracers at maide-deploy na po namin sila sa lahat ng LGUs sa buong bansa.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...