Higit 3,800 people nasa evacuation centers sa Taal — pulis

Higit 3,800 people nasa evacuation centers sa Taal — pulis

July 7, 2021 @ 2:14 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Tinatayang 3,807 indibidwal o 1,066 pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal, batay sa Batangas Provincial Police Office.

 

Sa datos nitong 10:30 a.m., nagmula ang mga bakwit sa Laurel, Nasugbu, Talisay, Balete, Agoncillo, at Balayan.

Pinakamarami ang naitala sa Laurel na may 2,040 katao na nasa walong evacuation centers at sinundan ng Agoncillo na may 1,208 sa walong evacuation centers.

Nagtakda na rin ng checkpoint sa control point papunta sa mga barangay na nasa loob ng seven kilometer danger zone. RNT/FGDC