Higit 3K katao, inilikas sa Cagayan de Oro at Bukidnon dahil sa bagyo

Higit 3K katao, inilikas sa Cagayan de Oro at Bukidnon dahil sa bagyo

April 10, 2022 @ 11:40 AM 3 months ago


CAGAYAN DE ORO – Nasa higit 3,000 indibidwal ang inilikas sa Cagayan de Oro at Bukidnon dahil sa pagbaha at landslide dala ng mga pag-ulan dahil sa Bagyong Agaton.

Sa interbyu ng DZBB, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal na bago pa man pumasok ang bagyo sa bansa ay ilang mga pagbaha at pagguho na ng lupa ang naitala sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa walang-tigil na pag-ulan.

Sa ngayon, kabuuang 3,347 katao na ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.

“Tuloy-tuloy din naman ang pagtulong ng local government units sa kanila,” ani Timbal.

Samantala, inililikas na rin aniya ang ilang residente sa BARMM at Caraga region dahil sa ilang araw nang pag-ulan sa lugar.

sa kabila nito, sinabi ni Timbal na wala pa silang naitatalang major untoward incidents o nasawi dahil sap ag-ulan.

“Meron tayong natanggap, injury lang naman po na nabalita dahil siguro sa pagbaha” dagdag niya. RNT/ JCM