Higit 3K POGO workers kumuha ng police clearance

Higit 3K POGO workers kumuha ng police clearance

October 3, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuan 3,198 mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang kumuha ng police clearance.

Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ngayong Lunes, Oktubre 2 sa isang pulong balitaan.

“As of September 27 and 28, an additional 297 POGO workers availed the national police clearance processed by DIDM team, making a total of 3,198 police clearances issued to POGO workers as of October 3,” ani Azurin.

Ang DIDM o Directorate for Investigation and Detective Management ay ang unit ng PNP na nangangasiwa sa national police clearance processing para sa mga POGO workers.

Dagdag pa ni Azurin, nagpapatuloy na rin ang documentation process nila sa mga POGO workers katuwang ng local government units.

Layunin nito na mabantayan ang mga aktibidad ng mga POGO workers at masiguro na sumusunod ito sa mga panuntunan ng pamahalaan.

Kaugnay naman sa mga POGO workers na illegal na naninirahan sa bansa, nasa kustodiya na umano ito ng Bureau of Immigration at naghihintay na lamang ng petsa ng kanilang deportation. RNT/JGC