Higit 4.4M COVID vax doses dumating na sa Pinas

Higit 4.4M COVID vax doses dumating na sa Pinas

December 14, 2021 @ 7:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dumating na ang 1,512,000 doses ng Moderna na donasyon ng pamahalaan ng France at Spain sa pamamagitan ng COVAX Facility sa Ninoy Aquino International Airport lampas alas-4 ng hapon.

Samantala, dumating na rin ang 945,600 doses ng Janssen COVID-19 vaccines mula sa Dutch government.

Umabot din sa dalawang milyong doses ng Sinovac mula sa Chinese government ang lumapag sa  NAIA Terminal 2 lampas alas-5 ng hapon.

Inaasahang makatatanggap ang bansa ng mahigit 8.2 milyong vaccine doses ngayong Martes, ang pinakamalaking single-day vaccine delivery sa kasalukuyan.

Inaasahan pa ang pagdating ng mas maraming vaccine doses ng Janssen bago matapos ang araw. RNT/SA