Higit 40 simbahan sa ilalim ng Manila archdiocese sarado sa banta ng COVID
January 11, 2022 @ 6:40 PM
7 months ago
Views:
240
Frenchlyn Del Corro2022-01-11T18:48:02+08:00
MANILA, Philippines-Mahigit 40 simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila ang pansamantalang isinara sa paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, base sa ministry on health care ng archdiocese nitong Martes.
Inanunsyo ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) Ministry on Health Care na hindi bababa sa 41 simbahan ang isinara matapos ilang mga pari at church personnel ang magpositibo sa naturang sakit.
Samantala, sarado rin ang ibang simbahan bilang preventive measure laban sa Omicron variant.
Kabilang sa mga saradong simbahan ayon sa RCAM ang mga sumusunod:
-
Saint Vincent De Paul Parish
-
Nuestra Senora De La Soledad Parish – Binondo
-
Saint John Bosco Parish – Makati
-
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo – Punta
-
San Jose de Trozo Parish
-
Santa Clara de Montefalco Parish
-
Our Lady of the Assumption Parish
-
Saint Peter the Apostle Parish
-
Saint Alphonsus Mary de Liguori Parish
-
Our Lady of Fatima Parish – Pasay
-
Saint Andrew the Apostle Parish
-
National Shrine of the Sacred Heart
-
Santa Teresita Parish – Makati
-
San Roque de Sampaloc Parish
-
Saint John of the Cross Parish – Makati
-
Our Lady of Penafrancia Parish
-
Mater Dolorosa Parish
-
Saint Anthony of Padua Parish – Singalong
-
San Juan Nepomuceno Parish – Pasay
-
Santuario de San Antonio Parish – Makati
-
Santuario del Santo Cristo
-
San Isidro Labrador Parish – Pasay
-
Mary, Mirror of Justice Parish – Makati
-
Santisimo Rosario Parish – UST
-
St. Francis of Assisi Parish – Mandaluyong
-
Saint John Mary Vianney Parish – Makati
-
National Shrine of Our Lady of Abandoned
-
Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz
-
Our Lady of Abandoned Parish – Mandaluyong
-
Our Lady of La Paz Parish – Makati
-
Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo
-
National Shrine of Saint Jude Thaddeus
-
Our Lady of the Most Holy Rosary Chinese Parish
-
Santa Maria Goretti Parish
-
Our Lady of Remedies Parish – Malate
-
National Shrine of Our Lady of Guadalupe
-
Saint Joseph Parish – Gagalangin
-
Saint Joseph the Baptist Parish
-
Santissima Trinidad Parish – Malate
-
Mary the Queen Parish – San Juan
-
San Roque Parish – Pasay
Kamakailan ay naglabas ng mga alituntunin ang archdiocese sa pagpapatupad ng church lockdowns sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases. RNT/SA
August 15, 2022 @2:22 PM
Views:
5
MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na hihilingin nito ang pakikipag-dayalogo sa National Police Commission (NAPOLCOM) upang plantsahin ang reorganisasyon ng key positions sa ahensya.
Inihayag ito ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. bilang tugon sa NAPOLCOM resolution na nire-require ang pagsusumite ng listahan ng third-level officials bago bigyan ang mga ito ng posisyon.
“We have to iron out ‘yung differences namin ng NAPOLCOM. And I respect that particular NAPOLCOM memorandum circular,” pahayag ni Azurin sa isang press briefing.
Ikinasa ng PNP nitong nakaraang linggo ang reorganisasyon ng mga opisyal sa key positions para sacareer growth at pagtatalaga ng mas maraming seasoned senior officers.
Subalit, sa ilalim ng NAPOLCOM memorandum circular 2019-001, ang Director for Personnel and Records Management “shall cause the publication of vacant and soon-to-be-vacant positions” maging ang listahan ng eligible officers para sa mga nasabing posisyon.
Nakasaad dito na “any officer who is not included in the said list may not be designated to any of the third level positions in the PNP.”
“We have to talk it out how we can best deliver ‘yung intention ng NAPOLCOM and intention ng PNP,” sabi ni Azurin.
Ayon pa sa kanya, pinayagan sila ni NAPOLCOM vice chairman Rogelio Casurao na isunod na lamang ang mga dokumento.
Pumanaw si Casurao noong Enero 2021.
“I requested na, ‘Sir, nababagalan po ‘yung confirmation. Can we do at least na implement na namin ‘yung orders and then bigyan na lang namin po kayo ng copy para sa ganon mabilis ‘yung implementation natin ng revamp?’” ayon kay Azurin.
“And then the vice chair then, pinayagan po kami sa ganon na setup… Since 2016 ‘yun naman ang naging practice,” dagdag niya. RNT/SA
August 15, 2022 @2:08 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Nagpalabas na ang Malacanang Press Corps (MPC) ng posisyon nito kaugnay sa ginawang pagbasura ng Office of the Press Secretary (OPS) sa press accreditation ng Hataw reporter na si Rose Novenario.
Nito lamang Agosto 9, 2022, lumiham si Angeles kay Hataw Managing Editor Gloria Galuno, nakasaad sa liham ang desisyon kung bakit tinanggihan ang accreditation ni Novenario na mag-cover kay President Ferdinand Marcos Jr. at Palace briefings at events ay dahil sa “conduct unbecoming” na dapat ay ipinapakita ng isang journalist.
“Ms. Novenario’s negative actions and attitude towards the officials of the Office of the Press Secretary may influence others. Her name calling of several officials is blatant show [of] disrespect to authorities,” ayon kay Angeles.
“While we understand that the people’s right to information is vital to nation building, we cannot tolerate unruly behavior that may have a detrimental effect to the people around her,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, maaari namang muling magsumite ang nasabing news outfit ng kanilang aplikasyon subalit para sa ibang journalist.
“Rest assured that like any other application, it will be treated like all the other applications,” ayon kay Cruz-Angeles.
Sa kabilang dako, hinikayat ng MPC ang OPS na Malinaw na ihayag ang naging paglabag no Novenario sa sinasabing naging paglabag nito at maging ang mga pangyayari dahilan upang ibasura ang kanyang accreditation.
Kailangan ng MPC ng “clear cut rules on what is deemed as an unacceptable behavior.”
“This will ensure that future decisions related to access to the Palace and the President will be reasonable and not arbitrary,” nakasaad sa kalatas ng MPC.
“We urge the OPS to communicate properly to the MPC the grounds for the denial of accreditation of any of its members,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.
Sa kabila ng ban, binigyang-diin ng MPC na mananatiling miyembro ng grupo si Novenario.
Ipagpapatuloy din ng MPC ang “to exhaust measures to address the issue, taking into account the need to balance the role of journalists to report independently and to ensure proper decorum in the performance of such a duty.” Kris Jose
August 15, 2022 @1:54 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Hinikayat ng election watchdog nitong Lunes ang Congress legislation na i-synchronize ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Commission on Elections (Comelec) upang alisin ang voter registration process.
Inirekomenda ito ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Comelec maging sa Senado at Kamara, kasunod ng pagkakalathala ng ulat ukol sa pagpapatuloy ng voter registration na umarangkada noong Hulyo 4 hanggang 23.
Nangunguna sa listahan ng kanilang mga rekomendasyon ang pag-apruba sa batas “that will allow data sharing agreements” sa pagitan ng PSA at ng Comelec “in order to dispense with the voter registration process.”
“This would save time and costs not only for the local Comelec offices but also for would-be voters who have to line up even before the sun has risen just to be able to submit their applications,” pahayag ng grupo.
Nanawagan din ang grupo sa Kamara na pag-aralan at i-adopt ang sistema na ginagamit sa Indonesia kung saan mandato sa pamahalaan na magbigay ng datos sa populasyon ng potensyal na election voters para magamit ng Indonesian General Elections Commission (KPU) sa pag-compile ng voters list.
Iginiit ng NAMFREL na ang datos na ibinibigay sa KPU ay mula sa mga indibidwal na rehistrado sa electronic Resident Identification Card scheme ar sa Indonesian national ID system.
HInikayat din ng grupo ang Kamara na gawing rekisitos ang sa PSA at sa civil registrars sa buong bansa ang pagsusumite sa Comelec ng impormasyon ng deceased personsypang agad na mabura sa voter registration database.
Sinabi pa ng NAMFREL na kinakailangan ding ibahagi ng civil registrars sa Comelec tang datos ng mga indibidwal na tutuntong sa 15-anyos para sa Sangguniang Kabataan elections at 18 taon para sa regular elections, plebiscites, referenda, at iba pa.
Inihirit pa ng grupo sa mga mambabatas na i-repeal ang probisyon sa Republic Acts No. 8189 at 9189 as amended by RA 10590, na nagsisilbing ground sa deactivation ng indibidwal na hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na regular elections.
“Voters should not be penalized for the failure to exercise their right to choose our leaders, and then line up before sunrise to apply for reactivation,” sabi ng NAMFREL.
“Instead, they should be encouraged to vote through the adoption of voting technology (for example, Internet voting) and/or mechanisms (polling places close to their residences), and enlightened on the importance of their choice and how they can exercise it,” dagdag nito.
Kung ang rason naman ng hindi pagboto ay pagkamatay, ipinaliwanag ng NAMFREL sna matutugunan ito ng PSA at ng civil registrars sa bansa sa pagsusumite ng impormasyon sa mga nasawing indibidwal sa Comelec.
“NAMFREL believes that these measures will greatly help make the voter registration process more efficient, less costly, and more convenient for Filipinos.”
Iginiit pa ng NAMFREL ang mas mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, mas masusing pagsasanay sa personnel sa proseso ng eleksyon alinsunod sa Comelec guidelines, implementasyon ng mga pabukala na magpapaluwag sa registration centers kabilang na ang pagkakasa ng appointments system, at pagsaliksik ng mga paraan upang makapagsagawa ng remote o electronic registration activities.
Makatutulong umano ang mag rekomendasyong ito sa mga darating na voter registration at sa paghahanda sa pag-arangkada ng 2022 Barangay and SK elections. RNT/SA
August 15, 2022 @1:43 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang clean-up at misting sa Barangay Corazon de Jesus, San Juan City, Agosto 15, 2022.
Nakapag-ulat sa San Juan City ng kabuuang 83 dengue cases mula Enero 2022 subalit wala nang aktibong kaso hanggang nitong Agosto 12. sa kasalukuya, pinakamababa ang bilang ng dengue cases sa San Juan sa Metro Manila. Danny Querubin
August 15, 2022 @1:40 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong 8.42 porsyentong vaccine wastage hanggang Agosto 12.
“The Philippines reported 8.42% COVID-19 vaccine wastage as of August 12, 2022,” sabi ni officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senate committee on health and demography hearing.
Ang nasabing porsyento ng vaccine wastage ay mas mababa sa 10 porsyentong indicative wastage rate ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Vergeire, ilan sa mga dahilan ng vaccine wastage ay ang expiration, operations-related issues kabilang ang mga bakuna na nabuksan ngunit hindi naiturok, spillage, broken vials, backflow, leftover underdose, at iba pa.
Binanggit din ng opisyal na mayroon ding masayang dahil sa kalamidad tulad ng bagong Odette noong 2021, sunog at lindol.
Mayroon ding mga bakuna na hindi nagamit dahil sa mga isyu sa pagkontrol sa temperatura.
Isinagawa ng Senate health and demography ang unang pagdinig upang talakayin ang pangkalahatang sitwasyon sa kalusugan sa bansa , COVID-19 situation, dengue situation, updates sa pagpapatupad sa Universal Health Care Law, pagpigil sa monkeypox, at pagbili at pagbibigay ng COVID-19 vaccines. Jocelyn Tabangcura-Domenden