Higit 400 PDLs sa Correctional nabigyan ng flu vax

Higit 400 PDLs sa Correctional nabigyan ng flu vax

December 11, 2022 @ 3:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – May kabuuang 441 persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang nabakunahan na laban sa influenza virus.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) layon nito na mapalakas ang resistensya ng mga PDL laban sa impeksyon at labanan ang nakahahawang respiratory illnesses na maaring magresulta sa mas malubhang sakit o komplikasyon.

Ayon sa BuCor, 18 CIW personnel ang nabigyan din ng influenza vaccines na pinangasiwaan ng Mandaluyong City’s Health Office at Barangay Health Center.

Sinabi ni CIW Acting Superintendent CSInsp. Elsa Martorillas, ang kalusugan ng mga PDL ang kanilang pangunahing prioridad lalo na sa mahihinang bilanggo.

Samantala,nasa 94.99 percent na ng 50,000 PDLs sa prison facilities ng Bucor ang nabakunahan na rin laban sa COVID-19.

Meron na rin kabuuang 35,700 PDLs ang nakatangap na ng kanilang COVID-19 booster shots. Teresa Tavares