HIGIT 42 MILYON NAKAPAGREHISTRO NA SA NATIONAL ID SYSTEM

HIGIT 42 MILYON NAKAPAGREHISTRO NA SA NATIONAL ID SYSTEM

October 13, 2021 @ 6:03 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

IBINALITA ng PSA o ng Philippine Statistics Authority na umabot na sa kabuuang 42.96 million Pilipino ang nakatapos na ng step one sa pagpaparehistro ng Philippine Identification System o ang pagkuha ng demographic information sa kabila ng COVID-19 global pandemic.

 

At upang mapabilis pa ang pagpaparehistro, binabalak ng PSA ang pagpapatupad ng “institutional registration” para sa mga kawani ng pamahalaan, pormal na manggagawa sa pribadong sektor, homeowner’s association, exclusive residences, non-government organization, at mga pribadong kumpanya.

 

Ang PSA central office ay tumatanggap ng request para sa institutional registration sa mga nasa NCR, sumulat lamang sa ons.staff@psa.gov.ph at sa mga nasa labas ng Metro Manila ay makipag-ugnayan sa malapit na local PSA regional o provincial office.

 

Target ng PSA nas makapagrehistro ng higit kumulang 50 million sa pagtatapos ng taong 2021.

 

Paano ninyo makuha ang target kung pahirapan. Dalawang beses ako pumunta sa Robinson Magnolia, ang problema, maaga ang kanilang cut-off at kapag senior citizen, kinakailangan pumunta ng alas 8:00 ng umaga, hindi pwede sa hapon at walang special lane for senior citizen.  Sana ayusin ng PSA na payagan ang senior citizen mag walk-in at hindi 1st 100 lamang ang tinatanggap nila sa isang araw.

 

-ooOoo-

 

ONE BILLION PESOS NA REMITTANCE DIVIDEND IPINAGKALOOB NG PCSO SA NATIONAL TREASURY

 

PINANGUNAHAN ni PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office vice chairperson at general manager Royina Marzan Garma ang pag-aabot ng tseke na nagkakahalaga ng isang billion pesos  sa Bureau of Treasury na kinatawan ni Purita Belgica nitong Lunes, October 11.

 

Ang karagdagang dibidendo ay tugon sa kahilingan ng DOF o Department of Finance na sinang-ayunan naman ng COA o ng Commission on Audit.

 

Noong 2019 ay nagkaloob ng P2.21 billion pesos ang PCSO sa Bureau of Treasury bilang dibidendo na ngayon ay nadagdagan nga.

 

Nauna nang nagkaloob ng higit P300 million pesos sa mga pampublikong ospital, at iba pang mga serbisyo ang PCSO bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19.  

 


  •  
  •  
  •