Higit 45K indibidwal nailikas na sa #OdettePH

Higit 45K indibidwal nailikas na sa #OdettePH

December 16, 2021 @ 12:25 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nailikas na ang kabuuang 45,383 indibidwal o 12,237 pamilya sa isinagawang operasyon dahil sa banta ng bagyong Odette, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa pinakabagong report, pinakamarami ang nailikas sa Eastern Visayas kung saan nakapagtala rin ng landslide incident at Caraga region sa Mindanao.

May kabuuan namang 3,891 pasahero; 1,745 rolling cargo; 22 vessel; at tatlong  motorbanca ang stranded sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at  Caraga.

Dagdag pa ng NDRRMC, 149 klase ang nasuspinde at 179 trabaho naman sa Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga. RNT/FGDC