Higit 4K empleyado nawalan ng trabaho sa Mactan

Higit 4K empleyado nawalan ng trabaho sa Mactan

October 2, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 4,000 manggagawa ang kailangan tanggalin sa trabaho ng ilang kompanya sa Mactan Export Processing Zone sa Cebu dahil sa mahinang ekonomiya.

Ayon sa ulat, ang ilan sa mga apektadong kompanya ay ang Mactan Apparels Inc, Metro Wear, Inc., Globalwear Manufacturing Inc., Eeeder Apparel Corporation, at Vertex One Apparel Phils.

Ito ang mga kompanyang pansamantalang nagtigil-operasyon sa kasagsagan ng pandemya at nagpabalik ng mga empleyado nang lumuwag na ang mga restriksyon dahil sa COVID-19.

Sa kabila nito, hindi nakayanan ng mga nasabing kompanya ang epekto ng recession o bagsak na ekonomiya dahilan upang kinailangan nilang magtanggal ng mga empleyado.

“As the world is now in the brink of, global recession with higher-than-expected inflation and the global financial conditions are becoming tighter, our business and that of our customers are not an exemption especially being classified as a non-essential and luxury product,” sabi sa pahayag.

“The sudden dropping and reduction of orders from our clients while increasing operational costs left us to face head-on to deal with the economic struggles and financial shortage thus, our Company perceived objectively and in good faith the need to downsize our current manpower through retrenchment program,” dagdag pa nito.

Mayroon naman 75% ng kabuuang workforce o bilang ng mga manggagawa ang natira pa.

Nangako naman na magbibigay ng separation pay ang mga kompanyang ito sa mga apektadong manggagawa. RNT/JGC