Higit 4K indibidwal nasita sa paglabag sa MPHS

Higit 4K indibidwal nasita sa paglabag sa MPHS

January 25, 2022 @ 2:28 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inireport ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na higit apat na libo ang nasitang lumabag sa minimum public health standards (MPHS).

Aniya, umabot ito sa 4,645 indibidwal na nahuling walang suot na face mask.

Habang 590 individuals naman ang hindi sumusunod sa patakaran ng mass gathering.

Gayundin ay umabot na sa 24,398 ang mga hindi sumusunod sa physical distancing rules mula Enero 16 hanggang 21.

Iiral naman ang Alert Level 3 sa Metro Manila at ilan pang probinsya hanggang Enero 31. RNT/FGDC