Higit 4K obrero nawalan ng trabaho sa Mactan EcoZone

Higit 4K obrero nawalan ng trabaho sa Mactan EcoZone

October 20, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Higit 4,000 manggagawa sa Mactan Economic Zone (MEZ) ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pagbaba ng pandaigdigang pangangailangan para sa mga luxury goods at sa tumataas na inflation.

Ang 4,000 empleyado na tinanggal sa trabaho ay mula sa limang luxury goods manufacturer, habang mahigit 100 manggagawa ang natanggal sa isang kumpanyang gumagawa ng cotton buds sa economic zone.

Namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial at food assistance na nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P5,000 sa mga displaced workers.

“Medyo significant nga ‘yung number kung magkukumpara tayo sa mga nakaraang taon. Ngayon lang tayo nagkaroon ng ganitong kalaki at karaming mga manggagawang na-retrench,” ani DSWD Undersecretary Alan Tanjusay.

Dagdag pa ni Tanjusay na malaki ang posibilidad na lumobo pa ang bilang ng mga nawalan ng trabaho kung magpapatuloy ang pagbaba ng global demand. RNT