Higit 4K reklamo sa SAP naaksyunan ng PACC

Higit 4K reklamo sa SAP naaksyunan ng PACC

August 1, 2020 @ 4:44 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 4,000 ang natanggap na reklamong may kinalaman sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno ang naaksyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Sa public briefing sa government television Sabado, inilahad ni Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica na may kabuuang 3,992 na report na natanggap ang komisyon ukol sa cash aid program.

Sa ulat, 90% aniya rito ay na-endorse na sa kaukulang ahensya.

“Kapag pumasok ang complaints sa amin, papasok agad ‘yan sa technical evaluation, and then titingnan ang jurisdiction, kung may ebidensya, titingnan ang form and substance. Kung mayroon ay papasok na sa investigation and then ang makikitang resulta, papasok sa adjudication, and then i-present naman sa en banc and then they will vote what to recommend to the president,” paliwanag ni Belgica.

Samantala, binuhay ni Belgica ang dati nang isinusulong ng PACC na ituring na heinous crime ang korapsyon at dapat daw ay may parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Kasalukuyang nasa ikalawang tranche na ng social amelioration program ang ipinamamahagi sa mga benepisyaryo via electronic payment. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...