Higit 4K residente sa Pampanga nabenepisyuhan ng TUPAD

Higit 4K residente sa Pampanga nabenepisyuhan ng TUPAD

January 18, 2023 @ 10:51 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 4,026 residente sa San Fernando, Pampanga ang nakinabang sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating  Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE-Pampanga head Arlene Tolentino na nakamapahagi na ng humigit-kumulang na P18.9 milyon sa sahod sa mga benepisyaryo ng programa sa Pampanga na nagbigay ng 10-araw na serbisyo sa komunidad kabilang ang declogging ng mga kanal, debris clearing, segregation at cleaning operations.

Aniya, ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka, mangingisda, vendors, laborers at iba pang underemployed workers, na nakatanggap ng P4,500

Patuloy din aniya na ipatutupad ng Labor department ang cash-for-work program para mas maraming residente ang makinabang dito.

Pinasalamatan naman ni Governor Dennis Pineda ang DOLE para sa tulong na ipinagkaloob sa kanyang mga kababayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden