Higit 5.2M bata nabakunahan na vs COVID-19

Higit 5.2M bata nabakunahan na vs COVID-19

November 4, 2022 @ 10:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kabuuang 5,231,460 na ang bilang ng pediatric population na nasa edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan laban sa COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa kabuuang target population na 10,895,015 ang nasabing bilang ang fully vaccinated na sa nasabing age group ay katumbas ng 48.02%.

Ayon sa DOH, hindi pa karapat-dapat na bigyan ng boosters ang naturang age group.

Samantala, sa edad 12 hanggang 17 , sinabi ng DOH na ang total target population at nasa 8,917,833.

Gayunman, umabot na sa 10,020,104 ang fully vaccinated o 112.36% na lagpas na inaasahang bilang o target na mababakunahan.

Umabot na rin sa 1,035,526 o 11.61% ang nabigyan ng booster shot na edad 12-17.

Ang naturang datos ay mula sa latest update ng DOH nitong Nobyembre 2. Jocelyn Tabangcura-Domenden