Higit 5.2M patay sa COVID-19

Higit 5.2M patay sa COVID-19

December 10, 2021 @ 10:01 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 5,278,777 indibdiwal ang nasawi sa COVID-19 sa buong mundo simula nang kumalat ito sa Tsina noong Disyembre 2019, ayon sa pagtatala ng AFP mula sa kanilang mga official source.

Umabot na rin sa 267,222,780 kaso ng COVID-19 ang naitatala kung saan mayorya sa mga ito ang nakarekober, pero nananatiling nakararanas ng sintomas kahit buwan na ang lumipas.

Sinabi naman ng World Health Organization na ang mga datos ukol sa pandemya ay maaaring mas mataas ng dalawa hanggang sa tatlong beses dahil sa mga hindi opisyal na naitatala.

Ang United States pa rin ang pinakatinamaang bansa sa 793,228 deaths mula sa 49,538,960 kaso.

Sumunod na ang Brazil sa 616,251 patay mula sa 22,167,781 cases, India sa 474,111 patay mula sa 34,666,241 cases, Mexico sa 295,894 patay mula sa 3,908,534 cases, at Russia sa 286,004 patay mula sa 9,925,806 cases.

Sa Pilipinas, unti-unti nang bumabagal ang pagkalat ng virus at hindi na lumalagpas sa 500 ang naitatalang kaso kada-araw.

Pero nananatiling nakabantay ang gobyerno dahil sa banta ng Omicron variant na sinasabing mas nakahahawa. RNT