Higit 50 nagtampisaw sa Manila Bay, hinuli

Higit 50 nagtampisaw sa Manila Bay, hinuli

October 4, 2021 @ 9:48 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinita at tiniketan ng awtoridad ang mahigit 50 indibidwal na nahuling lumalangoy sa Manila Bay sa Pasay City.

Kinumpirma naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi na sakop  ng Maynila ang insidente dahil hurisdiksyon na ito ng Pasay local government unit.

Kabilang sa mga naliligo sa Manila Bay ay mga bata na bitbit ng kanilang mga magulang na tila mga nag-outing sa isang beach

Dahil dito hindi na rin nasunod ang minimum public health standards gaya ng physical distancing

Agad namang sinaway ng mga pulis ang mga nagsu- swimming at pinaahon  sa tubig.

Maging ang mga make-shift na bahay na pahingahan ng mga mangingisdang taga Cavite at pinagiba na rin ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden