Higit 500 pumasyal sa Manila Zoo nabakunahan

Higit 500 pumasyal sa Manila Zoo nabakunahan

January 20, 2022 @ 9:35 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nasa higit 500 bakuna kontra COVID-19 ang naipamahagi sa unang araw na pagbubukas ng Manila Zoo bilang vaccination site ng lokal na pamahalaang lungsod nitong Miyerkoles, Enero 19.

Maari na ring mapabakunahan ang mga menor-de-edad kasama ang kanilang mga magulang, guardian o mga senior citizen ay makapapamasyal pa sila dito.

Sa ulat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang social media page, sinabi nito na nasa kabuuang 533 bakuna na may iba’t-ibang brand ang naipamahagi sa mga namasyal sa Manila Zoo kahapon kung saan kabilang na dito ang nasa 129 nagpaturok ng kanilang 1st dose, 20 sa kanilang 2nd dose at 384 para sa kanilang booster shot.

Aniya, tuloy-tuloy ang gagawing bakunahan sa Manila Zoo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Sa mga edad 12 hanggang 17 anyos ay maaari silang makapagpabakuna ng 1st at 2nd dose vaccination habang ang mga nakatatanda kabilang na ang mga senior citizen ay maaaring makapagpabakuna ng kanilang booster shot.

Pinaalalahanan muli ni Domagoso na walang “walk-in” sa Manila Zoo dahil ang mga nais na pumasyal dito at makapagpabauna, residente man o hindi residente ng Maynila, ay dapat magpaparehistro muna sawww.manilazoo.ph upang makakuha ng kanilang QR code.

Ang mga magpapabakuna naman ay dapat dumaan din sa “pre-online registration” nawww.manilacovid19vaccine.ph upang magkaroon ng kanilang QR code.

Ayon pa kay Domagoso, lilimitahan lamang ang maaring makapasok sa Manila Zoo kung saan hanggang 1,000 indibidwal lamang upang mapanatili ang physical distancing na kabilang sa mga ipinatutupad na health protocols. JAY Reyes