Higit 5,000 pasahero, naserbisyuhan sa libreng sakay ng PCG

Higit 5,000 pasahero, naserbisyuhan sa libreng sakay ng PCG

January 5, 2023 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 5,400 pasahero ang naserbisyuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa “Libreng Sakay” para sa mga pasahero sa Metro Manila.

Nagsimula ang programa noong ika-20 ng Disyembre 2022 at tatagal hanggang bukas, ika-6 ng Enero 2023.

Ang libreng sakay ng dalawang PCG bus ay nagsisimula tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

May pagkakataong inaabot ito hanggang alas-4 ng madaling araw ng sumunod na araw dahil sa dagsa ng mga pasaherong nagsisiuwian.

Bumibiyahe ang mga PCG bus mula PITX papuntang Monumento at balikan.

Layon nito na makatulong sa ating mga kababayan na kinakailangang bumiyahe araw-araw para sa kanilang pag-aaral at trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden