Higit 500,000 Pfizer COVID-19 jabs, idiniliber sa bansa

Higit 500,000 Pfizer COVID-19 jabs, idiniliber sa bansa

July 22, 2021 @ 6:34 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Higit 500,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa, Miyerkoles ng gabi.

Lumapag ang nasa 511,290 doses ng Pfizer vaccine sa Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City, Cebu bandang 6:45 p.m.

Binili ng gobyerno ang nasabing bakuna na binitbit ng DHL Aviation flight LD 457 ng Air Hong Kong (AHK).

Ayon kay Sec. Carlito Galvez, vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, na iiwan sa Cebu ang 51,480 doses ng bakuna para ipamahagi.

Ang natitirang 459,810 ay dadalin sa Maynila sa kaparehas na flight at inaasahang lalapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, Miyerkoles ng gabi.

Ibabyahe rin sa Huwebes ang 51,480 doses ng Pfizer sa Davao City, Huwebes.

Paliwanag ni Galvez na pinili ng manufacturer na direktang ideliber ang nasabing mga bakuna para masiguro ang bisa o efficacy nito.

Bukod dito, inanunsyo rin ng Malakanyang ang 2.5 million doses ng Sinovac vaccine sa Huwebes at Biyernes.

Darating ang 1.5 milyong doses, 7:35 ng umaga sa Huwebes sa NAIA Terminal 3.

Habang ang natitirang 1 milyon ay darating sa Biyernes. RNT


  •  
  •  
  •