Higit 500K food packs nakahanda na sa pagbuhos ni Paeng – DSWD

Higit 500K food packs nakahanda na sa pagbuhos ni Paeng – DSWD

October 27, 2022 @ 3:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 500,000 food packs para sa paparating na Tropical Storm Paeng.

“As of this morning, mayroon tayong 561,259 family food packs na available o nagkakahalagang P352 million at iba pang food and non-food items na nagkakahalaga ng P689 million na nakapre-position sa iba’t ibang strategic locations. Handa po ang DSWD sa pagdating nitong Bagyong Paeng,” ani DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa isang public briefing nitong Huwebes.

Nitong Huwebes, inanunsyo ng state weather bureau PAGASA na lumakas pa si Paeng bilang tropical storm kaninang alas-8 ng umaga at “further intensification is likely while moving over warm waters of the Philippine Sea.”

Sa forecast ng PAGASA, posibleng umabot si Paeng sa severe tropical storm category sa loob ng 24 oras at mabuo bilang bagyo sa Sabado.

“The occurrence of rapid intensification in the next 72 hours is not ruled out,” dagdag nito. RNT/SA