Higit 50K nagprotesta sa Greece vs rail tragedy

Higit 50K nagprotesta sa Greece vs rail tragedy

March 9, 2023 @ 10:41 AM 2 weeks ago


GREECE – Mahigit 50,000 katao ang nagprotesta sa mga kalsada sa Greece nitong Miyerkules, Marso 8 bilang pagpapahayag ng galit sa nangyaring pinakamalalang trahedya sa riles sa bansa.

Kasabay nito ay ang panawagan nila na magbitiw na pwesto ang umuupong prime minister ng Greece.

Matatandaan na nasawi ang nasa 57 katao at 14 katao ang nasaktan nang magbanggaan ang isang freigh train sa isang pampasaherong tren sakay ang karamihan sa mga estudyante, noong Pebrero 28.

Iwinagayway ng mga demonstrado sa Athens ang mga karatula na nagsasabing
“it’s not an accident, it’s a crime” at “it could have been any of us on that train.”

Hanggang nitong Miyerkules ng hapon, sinabi ng mga awtoridad na mayroon nang 53,000 demonstrado ang nagtipon sa mga kalsada sa bansa.

“I am here to pay tribute to the dead but also to express my anger and my frustration,” sinabi ng isa sa mga nagprotesta na si Niki Siouta, isang 54-year-old civil engineer, ayon sa AFP.

“This government must go.”

Sa nasabing bilang, 30,000 sa mga nagprotesta ay mula sa Athens, 15,000 sa Thessaloniki at 10,000 sa Patras. RNT/JGC