Higit 50M physical, electronic nat’l ID, naihatid na – PSA

Higit 50M physical, electronic nat’l ID, naihatid na – PSA

March 6, 2023 @ 5:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 50 milyong Filipino na ang nakatanggap ng kanilang physical at electronic version ng Philippine National ID.

Sa pahayag nitong Lunes, Marso 6, sinabi ng Philippine Statistics Authority na nakapagbigay na sila ng nasa 50,176,726 milyon na PhilIDs at ePhilIDs.

Sa nasabing bilang hanggang nitong Pebrero 28, nasa 25.1 milyon ang physical IDs habang nasa 25 milyon din ang naihatid na electronic version nito o ePhilID kabilang ang 770,559 downloaded versions.

“We, at the PSA, take this milestone as another step towards our goal of delivering the benefits of being PhilSys (Philippine Identification System)-registered to more Filipinos,” pahayag ni PSA Undersecretary and National Statistician Dennis Mapa.

“Sinisiguro namin na lahat ng nakapag-register na sa PhilSys ay magkakaroon ng PhilID at ePhilID. Anuman sa mga ito ay parehong magagamit ng ating mga kababayan sa kanilang mga transaksyon,” aniya.

Ayon kay Mapa, nakikipagtulungan na ang PSA sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa card production at printing, kasabay ang
Philippine Postal Corp para naman sa ID delivery. RNT/JGC