Higit 545K COVID cases naitala sa buong mundo sa loob ng isang araw

Higit 545K COVID cases naitala sa buong mundo sa loob ng isang araw

May 30, 2021 @ 2:56 PM 2 years ago


GENEVA – Mahigit sa 545,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Biyernes ayon sa World Health Organization (WHO).

Naitala ang 545,102 sa isang araw kung saan 12,406 ang nasawi sa buong mundo.

Sa bilang na ito, 38 porsyento ay mula sa Southeast Asia na may 208,644 bagong kaso.

Sinundan ito ng North at South America na may 205,660 cases at Europa na may 70,197 cases.

Pumalo na sa 168,599,045 ang kaso ng sakit habang 168,599,045 ang namatay.

Pinakamataas na naitalang kaso ang United States na may 32,869,009 na sinundan ng India (27,555,457), Brazil (16,274,695), France (5,535,701), Turkey (5,220,549), Russia (5,044,459), the United Kingdom (4,473,681), Italy (4,205,970), Germany (3,669,870), Spain (3,663,176), Argentina (3,622,135), at Colombia (3,294,101).

Pinakamarami namang namatay sa sakit sa United States (586,890), Brazil (454,429), India (318,895), Mexico (222,232), the United Kingdom (127,758), Italy (125,793), Russia (120,406), France (108,354), Germany (88,187), Colombia (86,180), Spain (79,888), and Iran (79,384). TASS