Higit 55K pamilya sapul ng hagupit ni Agaton

Higit 55K pamilya sapul ng hagupit ni Agaton

April 12, 2022 @ 6:14 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 55,000 pamilya sa ilang rehiyon ang naapektuhan ng pananalasa ng Tropical Depression Agaton, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes.

Sa Laging Handa briefing, iniulat ng tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao na mahigit 55,000 pamilya, o 218,000 indibidwal, mula sa 184 na barangay sa bansa ang apektado nitong Lunes ng gabi.

Sinabi niya na libu-libong pamilya ang nasa evacuation centers pa rin. Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang 6,7,8,9,11, at Caraga.

Ayon kay Dumlao, nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units (LGUs) para magbigay ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng Agaton.

Idinagdag niya na ang departamento ay nag-activate ng mga quick response team nito at nagsimulang maghatid ng mga food packs at non-food goods sa mga apektadong LGU.

“Sa katunayan po ang ating ahensya ay nakapagpadala na ng mahigit P4.2 million na augmentation support sa Davao del Norte. Sa Eastern Visayas naman tayo ay naghahanda sa paghahatid ng karagdagang family food packs sa Guiuan, Eastern Samar,” aniya pa. RNT