Higit 6.2M Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Moderna dose dumating na sa Pinas

Higit 6.2M Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Moderna dose dumating na sa Pinas

December 16, 2021 @ 8:23 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang kabuuang 6,227,050 COVID-19 vaccine dose galing sa Pfizer, AstraZeneca, at Moderna.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, ang bagong batch ng 1,187,550 dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine  na binili ng gobyerno ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) 3 bandang 8 p.m.

Sinundan ito ng 2,249,400 dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng pribadong sektor.

Dumating din ang 2,249,400 dose ng Moderna COVID-19 vaccine galing sa German government sa COVAX facility.

“Tuloy-tuloy na ang pagdating ng napakaraming bakuna, lahat ng ito ay mabisa laban sa COVID-19. Lalo na ngayon na mayroon na pong dalawang kaso ng Omicron, ito ay kinakailangan tayong magkaroon ng proteksyon at nakikita natin na ang bakuna mismo ang sagot para po labanan ang COVID-19,” ani Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng strategic communications on current operations ng NTF.  RNT/FGDC