Higit 600K trike drivers makatatanggap ng fuel subsidy

Higit 600K trike drivers makatatanggap ng fuel subsidy

June 28, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 617,806 na qualified recipients ang makatatanggap ng  fuel cash subsidies sa ilalim ng  “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers”.

Layon nito na mapagaan ang ‘financial woes’ sa gitna ng mataas na presyo ng petroleum products simula pam noong huling bahagi ng nakaraang taon.

Ang paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año,  ang  fuel subsidy  ay ipamamahagi ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  sa mga benepisaryo sa pamamagitan ng  e-wallet accounts,  sangay ng Landbank of the Philippines o off-site payout ng local government units (LGUs).

“Inaasahan namin na sa pamamagitan ng fuel subsidy na ito, maiibsan kahit paano ang paghihirap ng mga tricycle drivers dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at paghina ng biyahe dahil sa Covid-19 pandemic. Ito ang paraan ng pamahalaan para ipamalas ang kanyang pagmamalasakit sa ating mga tricycle drivers,” ayon kay Año.

Sa kabuuang bilang ng mga  tricycle drivers-beneficiaries, sinabi ni Año  na 67,536 ang mula sa Region 1; 31,638 mula  Region 2; 83,621 sa Region 3; 162,500 sa Calabarzon; 30,340 sa MIMAROPA; 35,339 sa Region 5; 59,280 sa Region 6; 11,685 sa Region 7; 6,448 sa Region 8; 9,869 sa Region 9; 8,760 sa Region 10; 8,793 sa Region 11; 21,685 sa Region 12; 6,869 sa Caraga; 68,165 sa NCR; 5,040 sa CAR; at 238 sa BARMM.

Sinabi ni Año, ang  first batch ay  para sa 539,395 trike drivers na nagbigay ng kanilang  e-wallet account; ang second batch ay para sa  73, 233 drivers  na nag-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines (LBP) branch  na malapit sa kanila; at ang third batch ay para naman sa 5,178 drivers  na nag-avail ng on-site payout sa  LGUs.

“Lahat ng nasa masterlist ng qualified tricycle drivers ay makakatanggap ng fuel subsidy. Hintayin na lang po natin ang abiso ng LTFRB para sa mga detalye at karagdagang impormasyon,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang nagpalabas ang DILG  ng  Memorandum Circular 2022-047 na inaatasan ang  LGUs na mag- produce at magsumite sa DILG ng  “validated”  list of tricycle drivers; tricycle franchisees; addresses; electronic wallet accounts; at bilang ng  operating tricycles at iba pang detalye sa loob ng kanilang respective jurisdictions.

Ang listahan ay dapat na sertipikadong tama mula sa  Head of the Tricycle Franchising Board and the head of the local Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at maging ng concerned city o municipal mayors at vice-mayors.

“Some 766,590 trike drivers had their names submitted for inclusion in the master list but upon validation 148,784 trike drivers nationwide were disqualified due to lack of means of verification (MOVs), such as driver’s license numbers, incomplete e-wallet information, or names submitted after the deadline,” ayon sa Kalihim.

Samantala, hinikayat naman ni  Año ang city at municipal mayors  na magtatag ng ‘Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk or Hotline’ para tugunan ang mga concerns at reklamo ng mga benepisaryo  na nasa listahan at iba pang kahalintulad na  concerns sa  fuel subsidy program. Kris Jose