Higit 61K katao apektado sa baha sa Davao region – OCD

Higit 61K katao apektado sa baha sa Davao region – OCD

February 24, 2023 @ 1:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 61,525 katao o 14,154 pamilya ang naapektuhan sa nangyaring pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Davao region hanggang nitong Biyernes, Pebrero 24.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa mula sa kanilang OCD Joint Information Center, 5,269 indibidwal o 1,495 pamilya ang inilikas dahil sa pagbaha.

Nasa 1,700 indibidwal naman o 451 pamilya ang nananatili sa evacuation center.

Samantala, umabot na sa tinatayang P105,228,599.65 ang halaga ng pinsala sa agrikultura na iniulat sa rehiyon, ayon pa sa OCD.

Mayroon namang limang tirahan ang partially damaged at dalawang tirahan ang totally damaged habang may isang bayan ang nakaranas ng power interruption.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang kabuuang P2,592,300 na halaga ng financial assistance ang naibigay sa mga biktima ng baha sa Carmen, Davao del Norte ayon sa OCD. RNT/JGC