Higit 63M Pinoy, fully vaxxed na!

Higit 63M Pinoy, fully vaxxed na!

February 28, 2022 @ 7:26 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 63 milyong Pilipino na ngayon ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 habang 663,384 na bata na may edad 5 hanggang 11 ang may unang dosis, iniulat ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Sabado.

Sinabi ni NVOC chair at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang fully vaccinated na kumakatawan sa 70 porsyento ng 90 milyong target na populasyon at 80 porsyento ng kabuuang populasyon.

Target ng gobyerno na ganap na mabukanahan ang hindi bababa sa 70 milyong Pilipino sa Marso at 90 milyon sa Hunyo ngayong taon.

Humigit-kumulang 9.7 milyon naman na ang nakatanggap din ng booster shot laban sa COVID.

Nauna nang sinabi ni National Task Force Against Covid-19 Secretary Carlito Galvez Jr. na isa sa mga agad na alalahanin ay tiyaking may sapat na proteksyon ang vulnerable sector laban sa virus.

Sa kanyang kamakailang ulat, sinabi ni Galvez na 69.31 porsyento lamang ng populasyon ng nakatatanda ang fully vaccinated.

“Kami ay patuloy na magko-concentrate sa natitirang tatlong milyong senior citizen at sa mga may comorbidities,” aniya pa.

Sinabi ni Galvez na ang pagsasagawa ng house-to-house na pagbabakuna laban sa COVID-19 ay palalakasin pa para mas maraming mabakunahan.

Nakatanggap na ang bansa ng 224,823,360 COVID-19 doses. RNT